By: Nerrah Ruiz
Isang araw, May dalawang matalik na magkaibigan na si Matsing at si Pagong. Habang naglalakad sa gitna ng gubat may nadaanan silang puno ng saging at kinuha ang bunga nito. "Pagkasarap ng bunga nito" sabi ni Matsing at nagpasya silang kuhain ang puno nito at itatanim upang makakain ulit ng bunga nito. Hinati sa dalawang parte ang puno ng saging. Ang mataas na parte ay sa Matsing sa pagkakaalam n'yang mas madali itong tutubo at ang natira na parte ay para kay Pagong. Dumaan ang ilang araw pagkatapos nila itanim ay ang kay Pagong lang ang nanatiling buhay. Nagplanong kainin ni Matsing ang bunga nito. Nagalit si Pagong at naglagay ng maraming tinik sa ibaba ng punong saging. Sa pagkakatinik ni Matsing ay binuhat niya si Pagong at itinapon sa ilog ngunit naisahan parin siya ni Pagong dahil marunong si Pagong lumangoy. Ipinapakita dito na "Matalino man ang Matsing, naiisahan parin."
Ang aking ilalarawan ay ang nag – iisang Unibersidad ng San Isidro ang “Leyte Normal University – San Isidro External Campus” (LNU- SIEC). Sa unibersidad na ito ay makikita mo ang iba’t ibang husay, galing at talent ng mga mag – aaral. Dito mo rin makikita at masasaksihan ang iba’t ibang husay ng mga guro sa larangan ng pagtutungo. Isa na dito ay an gaming pinakamamahal na guro sa Filipino 102, si G. Francis C. Tabudlong.
Pagkatapos ng mga dumaang bagyo sa unibersidad na ito ay makikita mo na ang pagbangon at pag – angat nito. Meron nang bagong silid – aralan na naitayo para gawing laboratoryo ng BSHAE para hindi na sila mahirapan sa pagluluto. Sa pamamagitan din ng pagtutulungan ng mga guro at mga estudyante na pagandahin ang unibersidad na pinangunahan ni Gng. Judith B. Cuyos, siya ang nagpaayos ng mga sirang bakod. Ang BEEd.-I at BSHAE naman ang nakatakda para sa pagbibigay kalinisan at kagandahan sa labas ng unibersidad sa gilid ng kalsada. At patuloy parin ang iba pang mga proyekto para pagandahin ang unibersidad na ito.
Aminin mo man o sa hindi malaki talaga ang naitutulong ng internet sa atin lalong – lalo na sa mga OFW, kahit nasa malayo sila sa kanilang mahal sa buhay ng dahil sa “Internet”, parang nasa tabi lang nila ang kanilang pamilya kasi pwede nilang makausap na parang nasa harapan lang nila at dahil yun sa tinatawag na “Skype”, andyan din ang “Facebook” pwede mo rin Makita angiyong mga kaibagan, kamag - aral na nasa ibang lugar, mga kamag – anak mo na hindi mo pa nakikita sa personal. Pero dahil sa “Facebook” pwede mo silang Makita at makamusta at syempre nandyan din ang “Google” na nagbibigay impormasyon sa mga Estudyante at iba pa.
Wala ang “Skype, Facebook at Google” kung wala ang “Internet”. Pero minsan napaisip ako, malaki nga ang naitutulong nito sa atin pero malaki din ang epekto nito. Ang ibang tao kasi hindi ginagamit nang tama ang internet, ang iba ginagamit para manloko ng tao kagaya ng “Cyber Sex”. Nagpapadala ng mga malalaswang larawan gamit ang “Social Media” para magkapera. Yung iba naman nanloloko sa kapwa kagaya sa Facebook yung mga nakakachat mong tao, hindi mo alam niloloko kana pala. Ang akala mo kasi sila ang nasa profile picture nila yun pala hindi. Nagnakaw lang pala ng litrato sa iba.
Para sakin hindi masama gamitin ang internet. Nasa tao nalang talaga kung magpapaloko sila sa taong manloloko at nasa kanila kung gagamitin nila sa masama o sa mabuting paraan ang paggamit ng internet.
MAHAL KO O MAHAL AKO
By: Jhia Olivar
By: Jhia Olivar
Hindi maiiwasan ang magmahal sa taong hindi tayo mahal. minsan nagagawa nating magpakatanga para sa kanila kahit alam nating marami pang iba.
Pero kung ikaw ang papipiliin, Sino ang pipiliin mo ? Mahal ko o Mahal ako ?
Ako kasi ang pipiliin ko ay ang Mahal ako kasi kahit hindi mo man siya mahal, may chance parin na mahulog ang loob mo sa kanya lalo na pag nakikita mo ang katangian ng lalaking gusto mo.
Mas maganda parin ang mahal mo ang isang tao kasi sa bawat araw na nakikita mo sya. Nabubuo ang araw mo, siya ang nagpapalakas ng loob at nagpapangiti sayo. At higit sa lahat, nagsisilbi siayang inspirasyon para sayo.
STAR BANANARAMA MAKING
By: Fatima Catamisan
Sangkap:
1 tbsp. star margarine sweet blend
2 pcs. Sliced loaf bread
1 pc. Banana, ripe
1 tbsp. cinnamon powder
Hakbang sa Pagluluto:
1. Ilagay ang saging sa isang mangkok.
2. Lagyan ng star sweet blend at cinnamon powder ang saging.
3. Siguraduhing lahat ng sangkap ay pinaghalo ng mabuti.
4. Lagyan ng star sweet blend ang dalawang pirasong tinapay at ilagay din ang saging na may cinnamon powder at margarine..
5. Ilagay ang sandwich sa sandwich maker at lutuin hanggang matusta.
6. Pwede mo na itong i-serve sa iyong mga kaibigan at sigurado akong mag eenjoy kayo.
Ano pang hihihintay nyo ? Try it now !
Posporo Palito
By: Mario Magno
Isipin nyo kung ano ang mangyayari sa palito kung walang kahon gayundin sa estudyante kung walang silid – aralan at guro?
Ang horoscope ay isang astronohikal na dayagram na nagpapakita ng mga position ng araw, buwan, planeta, astronohikal na aspeto at mga angulo na tumutugma sa kapanganakan ng isang tao. Maraming tao naniniwala sa ganitong uri ng bagay. Wala naming siyensya na sumusuporta na totoo ang horoscope at kung paano bibigyan ng interpretasyon ay tinatawag na “Pseudo – Scientific”.
Sa buhay ng tao, Minsan may kaganapan na tumutugma sa horoscope subalit hindi ito dahilan upang magdepende tayo dito. At ang diyos lamang ang may kakayahang husgahan ang isang tao at kung ano ang mangyayari.
Special Thanks to:
Christian Remorta (Encoder)